hold on to those who don't
|


April 22nd
18 notes
10:39 pm

I tried. I tried forcing myself. I tried sucking all the juices out of my mind. I tried to be sad and reminisce. I tried to be romantic and think of sweet words, but dammit I can’t think of a single word. I don’t think I can write again.

I scratched my head from the delirium I’m having. trying to see if there’s anything left in it— I’m afraid there’s none. Been busy these past few days. Occupied by personal matters, that and my work. I never knew it can be as difficult as this. Anyway, it’s not an enough reason for me to give up and also now that I have a reason to fight even more.

What I’m trying to really say is, I’m starting to lose my mind— kidding. I’m starting to lose my purpose here. I mean, what’s my tumblr even for now. I can’t post a decent thing.

And at last, I posted something.

April 8th
13 notes
11:30 pm

Awesome work is awesome. First day ko kanina, kahit nakakaurat yung shift na 1-10pm, nakakaligalig yung trainer namin na kaboses ni Jim Carrey pero kamukha ni Jimmy Santos.

Nagkaroon lang ng orientation about sa company pagkatapos ay nagfill-up thru online para sa BPI (Para sa payroll namin) kasunod nun ang pagfill up ng Pag-ibig, which is thru online din. 

Nagulantang na lang kaming lahat nung sinabing magpi-picture para sa ID. Siyempre, Haggardo Versoza lahat, pero syempre handa sila at dala-dala nila ang beauty kit ni Ricky Reyes. Tawang-tawa kami dun sa isang kasama namin, sumobra daw sa pigmentation daw tapos dapat i-side niya dapat daw bangs niya para kamukha niya si Daniel Padilla, eh bading yun kaya hagalpak kami sa tawa.

Although hindi ito ang first experience ko sa Call center, natuwa pa din ako dahil ang astig nung facilities nung work enviroment. May gym (malamang mahihiya lang din ako gumamit) May pantry na astig ang mga laman (unlimited iced tea, anyone?) Internet kiosk at Sleeping lounge. Technically pwede na dun tumira, pero di naman pwede diba. Hiya hiya din pag may time.

Sa shaw boulevard pala kami kaya kung sakaling madaan kayo doon, magkita tayo at ilibre niyo ko ng SEx please. Thanks.

March 25th
14 notes
11:52 am

amoy maynila;

Bungsod ng kapangahasan at kakulangan sa pag-iisip, napagdesisyunan kong pumunta dito sa Maynila at makipagsapalaran. Hindi ako oa sa pakikipagsapalaran— pamasahe lang at 2 bagahe na sira pa ang zipper kaya nakabuyangyang ang mga damit ko ang dala ko, yun at ang sarili ko.

Naghanap kami ng apartment nung isang araw. Hindi pala nagbibiro ang laki ng Maynila. Nagmukha akong probinsyano kahit dito ako lumaki, nagmukha akong mulala. Hindi biro ang pagsakay ng jeep papunta dito at doon, ang pagpila sa lrt, sa pakikipagsiksikan sa mga pasahero, hindi din nagbibiro yung kalbong nakasakay ko na napikon sakin dahil umupo ako dun sa bakanteng upuan.

Hindi biro yung amoy ng Maynila. Lalong hindi biro yung magiging amoy mo pag na-tour mo na ata ang buong lungsod maghapon. Halo-halong amoy. Amoy maghapon, amoy bus, amoy katabi mo sa jeep, amoy araw, amoy pawis, amoy lupa.. masalimuot na amoy.

Hindi biro yung pagod, para kang nag-temple run tapos naka score ka ng 243,340,405,443. Tapos hindi mga tsonggo humahabol sa’yo kundi yung takot mo. Takot mo na anong mangyayari sa buhay mo neto kung hindi ka kikilos. Hindi kanais-nais na pakiramdam.

Masaya kung tutuusin, dahil hindi ko ramdam na mag-isa ako tulad ng nararamdaman ko sa Benguet, joke Olongapo. Makikita ko na din yung mga taong gusto ko makita. Yun nga lang, dito talaga hindi ka na pwedeng magbuhay binata. Kelangan, animo may pamilya ka, kumayod para mabuhay. Hindi pwedeng petiks. Hindi pwedeng patumblr tumblr lang.

Pero syempre, joke lang yung last statement. Kailangan ng tumblr. Kahit pa makita niyo akong naggi-gitara dun sa Luneta Park, nakiki-wifi pa din ako at naga-update ng nangyayari sakin.

March 14th
27 notes
5:32 pm

Basa basa din pag may time.

Matagal tagal na akong di nakakapagkwento, yung totoong kwento. Parang dati lang tuwing mago-online ako, lagi akong nagpopost ng personal. Ngayon, bukod sa bihira na parang nahihiya na din ako magpost. Anyway, naka-sando ako ngayon kaya ang kati kasi kinakagat ako ng mga lamok.

Simula nung Lunes, di ako sa bahay umuuwi. Kailangan ko kasi ng peace of mind. Doon ako natutulog kila Ate, malaki nga ang bahay wala namang laman. Kakalipat lang kasi nila. Akala mo tuloy bodega.

Sa sahig lang ako natutulog. Nakakapanibago. Feeling ko titi-bihin ako don. Pero, okay na yun kaysa maging psychotic ako sa bahay. Nakakabaliw kasi yung kasama doon. Nakakapagod kasama si Daisy.

Yung bago kong trabaho, napakalaking pagsubok. Napakalaking pagsubok pigilin yung antok. Living zombie ako tuwing shift, boring na nga kasi ginagawa namin, tapos ang lamig pa. Unan na lang kulang, akala mo hotel na. Pero, kelangang magtiis Ronnel, wala ka sa lugar para maginarte.

Gusto ko na makaluwas ng Manila at doon tumira, kaso iniisip ko din si Bebang.. pero pag nakuha ko ang sweldo ko dito tapos ganito pa ding tinatamad ako sa trabaho, baka umalis na ako.

Alam ko cliche to, pero namimiss ko ang dating tumblr. Nakakamiss din yung mga dati kong nakakausap dito. Hindi na namamansin. Yung iba, sumikat lang snob na. Yung mga “idol” ka daw, parang hindi naman.

March 6th
31 notes
5:18 pm

Isang patunay na hindi ako basta nagtatapon ng gamit. Naglinis nung isang araw, nakita ko lahat ng mga gamit ko noon pa. Yung ilan dyan,  sobrang tanda na.

Mula sa unang salamin kong gamit nung grade 5 (8 years) lahat ng headset na ginamit ko at nasira na. Mga charger ng nokia at blackberry na hindi na gumagamit. Mga kahon ng cellphone, cases at silicon. Souvenirs nung meet-up.

Mga pinagbalatan ng wax.at lalagyan (Yung isa, yung wax ko pa nung lumayas ako ng nung bahay) At pati mga lumang coupons (na dala ko pa nung una kong meet up, feb 14, 2012)

Pawang mga basura, di na mapapakinabangan, pero bawat isa may alaalang iniwan. Sentimental shits.

February 27th
18 notes
6:14 pm

Interview Syndrome

Kaninang umaga nakareceive ako ng text sa dati kong ka-workmate, tinext na daw siya ng pinasahan niya ng resume tapos exam na daw baka daw gusto kong sumabay, dahil mag-dedeposit din naman ako ng pera sa bangko, naisip ko bakit di ko i-try? Wala namang mawawala. Kaya ayun, kahit lakas maka-baluga ng init kanina sinugod ko.

Pinag-exam kami ng grammar at tsaka typing.Tiwala naman akong maipa-pasa ko yung exam, at di naman ako binigo ng kapal ng mukha ko. Nakapasa nga ako. Naka-94% ako sa grammar at 39 sa speed test (Mababa  dahil nanginginig yung kamay sa kaba tsaka aircon) Tapos tinawag na ako para sa interview, eto pa lang yung kwento..

Akala ko na-overcome ko na yung interview sickness ko. Yung tipong nagiging nervous wreck ako tapos yung puso ko bumabara sa lalamunan ko kaya hirap akong magsalita.

“Tell me something about yourself, Ronnel.”

Ang golden question. Pero hindi ako prepared. Anak nam pota.

“Something about myself? Hehe. Well… I’m just an average guy. I like reading books and watching movies.. and I prefer to spend my saturday night watching something than to go clubbing..”

“Hmm.. what else?”

“Uhm.. I like to eat.”

“You like to what?”

 “I like to eat?”

I know, I know. What the fuck did I just say? Puro pagkain laman ng utak ko, not to mention para akong conyo habang nagi-english. Puro ako “like” lakas maka-gago. Ang kinaganda lang.. Pasok pa din naman. Pinapabalik kami for the final interview daw.

Sana lahat ng trabaho, written exam na lang.

February 11th
14 notes
7:30 pm

——————

  1. I tend to be competitive sometimes.
  2. I had a crush on my history teacher when I was in 3rd year high school, she was pregnant then.
  3. I have a great phobia on cockroaches and bridges.
  4. I sometimes hate my self for not being good enough.
  5. I like the smell of a new book’s page.
  6. I sometimes blame my past for me being like this.
  7. I secretly despise our next-door neighbor.
  8. I hate cats.
  9. Sometimes, I don’t show that I like things when I’m with my friends scared of me being judged.
  10. I don’t like going to parties. I prefer to be alone in the house watching  a movie.
  11. I like watching movies, that’s the only way I can feel anything besides hunger and sleepiness and boredom and grudges.
  12. When I find a good book, I read it slowly ‘cause I don’t want to finish that early. Sometimes, I secretly peek at the ending.
  13. Everyday, I see people and I wonder, “Why wasn’t I born looking like that?” 
  14. When I see people laughing, I always think that they’re laughing at me.
  15. Sometimes, I think I may be bipolar. But then I think again, that’s too serious. Maybe I’m just unpredictable.
  16. I have trust issues.
  17. I’m not close to any family relatives.
  18. I miss my childhood.
  19. I like hugs very much: Hugs from behind, surprise hugs, hugs when cuddling, hugs of goodbye, hugs of missing someone. Everything.
  20. I’m murdering people I’m annoyed at in my mind.
  21. I try too hard, like everytime.
  22. I suck at words.
  23. I suck at actions too, so pretty much there’s nothing I’m good at.. except eating.
  24. I like chick flicks.
  25. I hunger for a kuya or father figure, prolly because I never had one all my life.
  26. I seek attention too sometimes.. we all do.
  27. I don’t like saying goodbye ‘cause I know they won’t care anyway.
  28. I love pizza.
  29. I like new things.
  30. I’m afraid of commitments.

February 11th
16 notes
5:23 pm

2nd time meet-up experience

Finally, akala ko hindi na masusundan yung last na punta ko ng meet-up. Kung tutuusin, Last February 13 ang punta ko nun sa Trinoma, parang anniversary na pala halos ng punta ko sa meet-up. Hindi mo mapigilang ma-kumpara ang mga taong nakita mo nung isang taon, tapos nakita mo ulit sa pangalawang beses (pero isang taon na ang nagdaan)

Nakakabadtrip man yung bus na sinakyan ko papunta dahil parang tinour na ako sa buong Pampanga (Guys, eto po ang SM Pampanga. Ikutin natin siya ng 3 beses) Pati yung terminal sa San Fernando, nilagpasan na pero binalikan pa namin. Anyway, nakarating ako ng MOA madilim na which is pabor para hindi nila ako makita ng matino. Salamat kay Nilyn at nakarating ako dun dahil di ko alam ang ruta doon.

Ang awkward nung nakarating ako tapos nakita ko yung The Writer’s Guild paano lahat ba naman nakatingin sa’yo, para bang hinuhusgahan ka na ewan. Pero syempre, alam ko namang hindi ganun. Tapos inaasar pa kami ni Spica. Parang mga kinder lang. 

Ang awkward din pala pag nakita mo sa personal yung mga blogger na inunfollow ka, yung mga blogger na kinaiinisan mo, yung mga blogger na nagpa-followan kayo pero never pa kayo nag-usap. Awkward talaga.

Hinaltak ako ni Alex kasi miss na miss na niya ako, pero natuwa na din ako nun dahil dinala niya ko dun sa mga ibang blogger na di ko ata kayang lapitan ng mag-isa lang ako. Nagulat ako sa mga yumakap sa kin. Natuwa na din dahil sa wakas nakita ko na din sila sa personal. Hindi lang pa-ta, ta. Hindi lang sa text o tawag, pero yung sa mismong laman na mararamdaman mong totoo sila. Marj, Vhio, Zhary, Bianca, Josh, Kuya JD, Dayn,  atbp

Nakita ko din yung mga matagal ko ng kilala, mga tropa at nakita ko na din nung last ko pang meet-up. Masaya dahil kilala pa din nila ako. Kahit ang hyper ni Edlyn, Ang laki ng dede ni Gab at Wenz, Ang cute ni chelay, payat pa din ni Polpol, hindi na pilantod si Denise, hindi ako niyakap ni Micah kung di ko pa sinabi, ang laki ng braso ni Rona, kakulitan ni Cha at kung ano-ano pa.

Bottomline is, masaya naman ako kahit bumiyahe ako ng 5 oras para makipagyakapan sa MOA. Sulit, sulit din na makita ko na yung mga gusto kong makita. Sulit din dahil nakasama ko naman yung gusto kong makasama. *wink*

February 5th
16 notes
6:12 pm
~*Life Update*~

(Pardon my failed attempt on making pa-cute, just thought  you guys forgot what I look like lol)

t’s been days since I last posted here. Been busy with few things and to make this easier, I’ll just enumerate the highlights of my past few days:

1. I went home alone in Olongapo, mom and my sister was left in Manila and because of that;
2. I have to buy my own food everyday (from breakfast to dinner) ‘cause they didn’t leave any food at home.
3. I don’t feel like going to work anymore. I don’t know why.
4. I think I know why, it’s because I don’t like the people I’m working with (there has been a cross-cut and my friends from work were the one who are eliminated.
5. Life sucks this past few days. It’s like a bad indie film with a predicatable cliche and boring plot.
6. I’m always tired. I think I lack of sleep, but when I do sleep early, I always woke up late resulting for me to be absent at work.
7. And oh, internet was disconnected at home so I can’t do what I used to do. No twitter before sleeping, no facebook when I get home after work.
8. I want to throw my blackberry, it’s starting to be a great pain in the ass.
9. I already missed my dad. My dad who I didn’t see for 9 years and I only been with him for less than a day in Manila.
10. I’m still hooked up with the song High Highs sung by Open Season (or was it the other way around? I really don’t know)
11. “It’s all in your mind, all in your mind.” (That’s the line I can’t forget in the song)
12. I’ve finished 3 books on my reading list, 4 more to go.
13. I think I’m gonna look for a new job, in Manila. (Again)

January 14th
27 notes
5:47 pm

Grade 5 ng mag-simula ako. Bago pa yun, nagre-request na ako magkaroon ako ng salamin, akala ko kasi “cool” tapos, nakaka-talino nga tignan. Yung bestfriend ko kasi noon nung nasa Manila pa ako, nagsasalamin eh akong inggitero gusto ko din. Naalala ko pa yung sinabi sakin, “Akala mo madali lang yan? Ba, pasalamat ka di nagsusuot ng ganito.” Grade 4 ako nun.
Kasagsagan ko ng grade 5 (Nandito na ko sa Olongapo non) napapansin ng mga kaklase ko na hindi ko makita yung nasa blackboard pag nasa likod ako. Kailangan tuloy parati akong nakaupo sa harap. Kahit ang tangkad ko nun tapos maraming hindi makita dahil nakaharang ako, wala akong pakialam.
Isinama lang ako ng math teacher ko dahil parang may program ng libreng pasalamin nun sa isa pang school. Doon ko nalaman na 150-150 na pala ang grado ng mata ako. 2 weeks bago ko nakuha, tapos yun. Yun na yung una kong salamin. Bilog pa yun tapos ang baduy tignan. Syempre hindi ko pansin that time.
Hanggang sa ilang taon ang nagdaan. Naiba ng naiba ang salamin ko. Kada pagawa ko ng salamin, tumataas yung grado. 150, 200, 250, 300.. hanggang ngayon 450-450 na. Baka nga mas mataas na ngayon dahil matagal na kong hindi nakakapag-pacheck up.
Akala ko dati, cool. Ang hirap pala. Parang wala akong mata pag di ko suot. Bulag na ko sa gabi, hindi na nakakakilala ng mukha. Hindi ko na din makita yung nasa computer. Inisip ko mag-contacts, kaya lang hindi na ata pwede pag ganito ang grado.
Isang itong love letter sa mottong “Be careful what you wish for.”

Grade 5 ng mag-simula ako. Bago pa yun, nagre-request na ako magkaroon ako ng salamin, akala ko kasi “cool” tapos, nakaka-talino nga tignan. Yung bestfriend ko kasi noon nung nasa Manila pa ako, nagsasalamin eh akong inggitero gusto ko din. Naalala ko pa yung sinabi sakin, “Akala mo madali lang yan? Ba, pasalamat ka di nagsusuot ng ganito.” Grade 4 ako nun.

Kasagsagan ko ng grade 5 (Nandito na ko sa Olongapo non) napapansin ng mga kaklase ko na hindi ko makita yung nasa blackboard pag nasa likod ako. Kailangan tuloy parati akong nakaupo sa harap. Kahit ang tangkad ko nun tapos maraming hindi makita dahil nakaharang ako, wala akong pakialam.

Isinama lang ako ng math teacher ko dahil parang may program ng libreng pasalamin nun sa isa pang school. Doon ko nalaman na 150-150 na pala ang grado ng mata ako. 2 weeks bago ko nakuha, tapos yun. Yun na yung una kong salamin. Bilog pa yun tapos ang baduy tignan. Syempre hindi ko pansin that time.

Hanggang sa ilang taon ang nagdaan. Naiba ng naiba ang salamin ko. Kada pagawa ko ng salamin, tumataas yung grado. 150, 200, 250, 300.. hanggang ngayon 450-450 na. Baka nga mas mataas na ngayon dahil matagal na kong hindi nakakapag-pacheck up.

Akala ko dati, cool. Ang hirap pala. Parang wala akong mata pag di ko suot. Bulag na ko sa gabi, hindi na nakakakilala ng mukha. Hindi ko na din makita yung nasa computer. Inisip ko mag-contacts, kaya lang hindi na ata pwede pag ganito ang grado.

Isang itong love letter sa mottong “Be careful what you wish for.”

January 12th
24 notes
2:04 pm

It’s too much to say I’m bipolar ‘cause I know medical people will then talk smart if I do. It’s just that, I’m having troubles controlling my feelings, my mood. I don’t know if this is normal, but I have inconsistent and unpredictable mood swings. 
A minute ago, I’m crazy as a loonie, laughing, smiling like a goof, then a minute after, I would feel sad and alone and miserable and deppressed. It hurts and it pains me when I’m feeling like this, this.. I don’t even know what am I feeling, and that what makes it complicated. 
Some say that people who smile and laugh a lot, will cry a lot too after. I agree. If there’s one thing we can’t hold besides people, it’s our feelings.

It’s too much to say I’m bipolar ‘cause I know medical people will then talk smart if I do. It’s just that, I’m having troubles controlling my feelings, my mood. I don’t know if this is normal, but I have inconsistent and unpredictable mood swings. 

A minute ago, I’m crazy as a loonie, laughing, smiling like a goof, then a minute after, I would feel sad and alone and miserable and deppressed. It hurts and it pains me when I’m feeling like this, this.. I don’t even know what am I feeling, and that what makes it complicated. 

Some say that people who smile and laugh a lot, will cry a lot too after. I agree. If there’s one thing we can’t hold besides people, it’s our feelings.

December 31st
21 notes
7:07 pm

My Tumblr Highlights in 2012.


Isang taon na ko dito sa tumblr, magtu-two years na sa April 2013. Madami na ding nagdaan, naging super-oa na active, naging inactive at bumalik. Maraming dumaang hindi ko malilimutan. Maraming naging kaibigan, ang ilan naging close, ang ilan nagkalimutan, pero still.. nandyan pa din sila. 

Hindi ko malilimutan nung active na active pa ko dito, na halos maya’t maya ang post ko, na halos lahat pinapatulan ko. Lahat na ata na ng kalokohan na post ko na. Hindi ko makakalimutan yung todohan na promotan with Sy, Klai at Denise. 

Nagbirthday, nag-anniversary ng blog, nag-valentines, nag-pasko at eto magnu-New Year na. Eto ako nakaharap sa computer at nagta-tumblr, at yung mga followers at pina-follow ko hindi nakakalimot bumati. Ang sarap diba? Nandyan sila ano mang okasyon.

Yung panahong nag-post ako ng cover. Akala ko iba-bash ako. Turns out ang pogi ko pala, este ng boses ko. Pag nagsasalita lang, pero pag kumanta.. okay uwian na. Haha. Wala lang, di ko malilimutan yung mga reaction nila.

Syempre, February 14, hindi ko malilimutan yung una kong meet-up na hanggang ngayon di pa din nasusundan. Nakita ko na lahat ng gusto kong makita. Yung mga tumblr friends ko, pati si Gia na nung panahong yun ay iniirog ko pa. Masaya, unforgettable. Pati yung pag-crash namin kila Sophia.

At syempre, nung nagbakasyon ako kila Sophia ng 3 weeks. Epic experience. Ang saya. Ang bait ng parents niya, tapos napamahal na rin ako sa mga kapatid niya. Nangarap na nga kong mangatulong sa kanila nun, wag lang umalis. Pero you know. I got my own life. Still, di ko aakalaing through tumblr, makakakilala ka ng mga ganitong tao.

Sa mga kaibigan kong hanggang ngayon ay kaibigan ko pa din, you are all a highlight of my 2012. Thank you for everything. Sana, sana.. kasama ko kayo sa 2013. 

December 31st
29 notes
6:08 pm

New Year’s

You gotta admit. Hindi kasing saya netong paparating na New Year kumpara sa nakaraang New Year. Hindi ko alam kung bakit, pero parang mas buhay, mas masaya, mas nakakatuwa yung last year’s, at last last year’s at last last last year’s.

Dahil ba sa paputok? Mas madaming paputok nung nakaraan? Dahil ba sa malalakas na tugtog? Dahil wala ng gaanong nagpapatugtog ngayon (Idagdag mo pa yung mga basurang kantang nauuso) Dahil ba sa mga taong kasama mo? Hindi naman siguro dahil sila din ang kasama ko nung nakaraan. Hindi naman kaya dahil tumatanda na tayo at lumalalim na ang kasiyahan natin? 

Nung bata tayo, may fireworks lang masaya na tayo. Bigyan lang tayo ng rice pops (yung binabato sa lupa tapos pumuputok) Tapos may watusi lang tayo wala ng katumbas yung New Year natin. Tipong pag-uwi natin madami ng sasalubong na mga foods satin, tapos ayun. Walang kasing-sayang bagong taon. 

Iba na kasi ngayon. Hindi naman tayo pwedeng makipagputukan sa kalye kasama nung mga bata. Yung iba nakikipagputukan pa din, hindi na nga lang sa kalye, pero still.. iba pa rin dati. Hindi ko alam pero iba ang New Year ngayon sa New Year dati.

December 31st
37 notes
5:08 pm

Bi-relationship.

Multiple meaning ang title. Bi, short for bisexuality meaning the attraction to the same sex and the Bi-relationship meaning having two relationships.. at the both sexes.

Hold your horses, I’m not talking about me. This story is about my sister. My ate. Eh kasi, bisexual siya. Tapos ayun, dumating nga dito sa Pinas yung kano niyang boyfriend. Eh nagkataon na may girlfriend siya. Kaya ayun, kailangan magundercover.

Eh palagi akong kasama tuwing may gala nila, tapos lagi nalang kailangan nilang planuhin nila ng girlfriend niya na kunyari aksidenteng makikita namin siya sa daan, para makasama siya samin. Kasi nga, hindi boto si mama sa kanya. Gusto ni mama, dun siya sa boyfriend niya. Kaya yun, papuslit-puslit na kaligayahan.. habang kasama niya yung boyfriend niya.

Eh kagabi, magkakasama kaming apat. (Lima, kung including si Bebang) Tapos, ang sweet nila ate at nung kano. Nakikita ko yung mata nung girlfriend niya habang nakatingin. Parang kumikinang. Parang naiiyak. Totoo nga palang nakikita mo ang nararamdaman ng tao base sa mata niya. 

Wala lang. Nai-share ko lang. Iniisip ko lang yung sitwasyon nila.

December 25th
17 notes
12:34 am

Pagbablog ni Ron.

Dati, naalala ko pa pag nagba-blog ako, natural lang. Kung anong nasa isip ko, deretso sa text post, create agad ang kini-click. Walang edit-edit. Walang proof-read, proof-read. Walang arte-arte sa spelling at grammar dahil tagalog naman. Puro kalokohan, pero may mga saysay pa rin naman. Mainstream pa ang “kilikili” sa posts ko noon. Hindi mawawala ang kilikili. Kilikili dito, kilikili doon. Parang gago, pero madaming natatawa, madaming tumatangkilik.

Pero bigla ko naisip, parang wala atang sumeseryoso sakin. Tipo bang, pag nalulungkot ako aba, akala nagjo-joke lang ako. Hoy, may iba’t ibang uri ng feelings. Hindi lang masaya palagi, pwede din tayong malungkot. Nararanasan ko din yun. Ayun, naisip ko. Kailangan ko atang mag-seryoso para serysohin ako ng mga ito.

Naisip ko, paano kaya maging seryoso? Dramahan ko ba lagi post ko? Ah, mas maganda siguro kung english din. Para mag-level up ako. Nakakainggit kasi yung mga writers na naglipana. Ang gagaling, parang mga J. K. Rowling na bloggers. Subukan ko nga. Okay naman ako mag-english, may 80% possibility lang naman na magkaroon ako ng grammatical error. So naisip ko, take the risk. Naisipan ko pa ngang magbago ng URL, dahil URL ko palang hindi na kaseryo-seryoso.. kaso may domain eh. Sayang yung dot info. Sige, gutomakoparati nalang muna. Tiis-tiis.

Ayun, tumagal. Nagbago mundo ko dito sa tumblr. Nabawasan ng mga jeje. Sumeryoso. Waring nagkaroon ng saysay. Masaya, masayang makita mong kaya mo palang magbago kung gugustuhin mo. Kasi kadalasan nagbabago tayo ng di natin napapansin, kaya ayun.

Nabawasan din naman pagka-jeje ko, may natira man, siguro onti na lang. May mga naging kaibigan, yung nakakasakay sa mga ginagawa mo, yung mga nakaka-appreciate ng pagbabago mo. Masaya din. Masaya din.

Pero tumagal, nakakalungkot din. Nakakalungkot kung paanong namimiss mo pag nakikita mo yung mga dati mong post. Yung mga mahahabang kalokohan. Simple lang pero nakakatuwang basahin. Nakakalungkot kapag wala ng pumapansin sayo kasi hindi ka na katulad ng dati. Nakakalungkot kapag wala ka ng mai-sulat. Nakakalungkot kapag namimiss mo na yung sarili mo. Nakakalungkot kapag nalulungkot ka. Nakakalungkot din. Nakakalungkot din.

Nakakamiss magsulat ng katulad ng dati. Susubukan ko ulit.

s.t.