Pelikulang Pinoy
Kanina, nag-text yung bestfriend ko. “Ton (Shortcut ng Rayton, na apelyido ko) nood tayo ng sine bukas.” Sumagot ako, “Ay, may pasok ako bukas, anong oras ba?” Sumagot siya ng 5:20 daw. Aba, alam ang eksaktong oras. Hindi ito nagresearch. Pumayag ako, 4:00 pm naman ang uwian ko eh. Tapos nung tinanong ko kung ano bang papanoorin, ang sabi niya One more try daw. Napangiwi ako. “Wag na lang pala lot, next time nalang. Haha!” Ayun. Natawag tuloy ako ng bwisit.
Don’t get me wrong. Pero wala naman akong problema ng Filipino movies. Hindi lang ako fan. O, o. Bago niyo ko batuhan ng mga quotations ni Jose Rizal, pakinggan niyo muna ko, este basahin niyo muna to. Hindi sa pagiging taksil sa bayan, pero.. paano ko ba sasabihin to. May pagka-basura kasi yung Film Industry natin. Ay teka, masyadong harsh. Hindi ganun kaganda ang takbo ng industriya ng bansa natin pagdating sa paggawa ng pellikula. Yun lang.
Bakit? Yung mga pelikulang nagagandahan ka? Tulad ng mga lumalabas na pelikula ngayon? Nagagandahan ka lang diyan dahil gusto mo yung mga bida, yung mga idol mo kasi yung lalabas, o kaya naman alam mong magaling magpatawa yung artistang yun kaya gusto mong panoorin yung pelikula niya. Kung dun ka lang dedepende, hindi mo mapapansing, basura yung kwento, basura yung pagkakagawa, kasi nga idol mo yung gumaganap.
Isa-isahin natin ang mga problema sa mga pelikulang gawa ng bansa natin:
Hindi ko naman nilalahat. Merong mga pelikulang may kalidad pa rin. Yung mga nagkaka-award pa nga at umaabot ng ibang bansa. Sana lang, dumami pa ang mga direktor na may lakas ng loob na ipakita ang gusto nila, hindi yung gusto lang makita ng mga tao.
Pelikula at Tunay na buhay.
Ang kulit lang siguro kung bawat kwento ng buhay natin ay isa-pelikula. Malamang gwapo ang artistang gaganap sakin, dahil syempre alam mo naman sa industriya natin, hindi bebenta ang pelikula kung hindi gwapings o chikadings ang bida. Pwera na lang siguro kung comedy dahil okay lang kahit si Bentong o si Jose ang gumanap sa akin. Kaya lang sa drama ng buhay ko malayong mangyari yun.
[Now playing: Misery by Maroon5]
Alam naman nating bawat pelikula ay may OST o Official Soundtrack, kadalasan isang kanta lang talaga ang ginagamit tapos iniiba-iba na lang ang version. Minsan kahit walang koneksyon ang kanta sa kwento basta maganda ang melodya, isasabak na. Pero para sakin, sakto ang mga liriko ng kantang napili ko. Lalo na ang chorus, I am in misery, and there ain’t nobody who can’t comfort me. Tiyak ngang hindi ko alam kung sino ang makakapag-ayos sakin. Napaka-ironic, tiyak tapos hindi sigurado. Ang gulo, ewan kahit ako naguguluhan.
[Now playing- Misery by Maroon5; Acoustic Version]
Siguro, kung nasa pelikula ako, habang nagdadrama ako ay may tumutugtog na malamam na musika, para daw mas feel mo ang atmosphere. Imbes na malungkot ka sa dinadala ng tao, malulungkot ka dun sa kanta. Wala na yung genuinity. Siguro nga yun na lang ang tanging nakakapagbuklod mula sa pelikula sa tunay na buhay: Katotohanan. Kadalasan eksaherado na kasi pag sa pelikula, bibihira na lang ang may onting kurot ng realidad.
[Now playing: Misery by Maroon5; Club remix]
Kung nasa pelikula lang ako, lalabas lang ako sa bahay ng poging-pogi sa sarili habang maganda ang panahon, malamang may upbeat na background music na kasama yun. Habang umiindak ang mga nanonood at naniniwalang masaya nga ang taong nakikita nila dahil lang sa masayang musikang naririnig. Hindi na bale ang ibang naiisip at saloobin nung tao, ang mahalaga masaya siya dahil masaya din ang musika.
Magulo ang buhay ng tao, at kanya-kanyang style na lang tayo diyan kung paano natin ige-gets yan. Gagawa ba tayo ng formula, magbabasa sa wikipedia, maggo-google, at kung ano ano pa. Kung nasa pelikula lang tayo, siguro madali lang ang lahat, predictable na kasi lahat ng mangyayari. Alam mo na ang kasunod. Ang kaso, hindi e. Buhay to. Yung totoo.
How do you know what you want, you don’t even know who you are.
Colin Shea; What’s your number (2011)
Superbad (2007) Jonah Hill, Michael Cera, Seth Rogen
Okay, honestly this movie made me feel bad. Not because it was a bad movie, don’t get me wrong. This is a cool movie. Awesome. Nice. Its genre falls into teen-movie, comedy and drama. Just like the title says, this movie is a badass.The movie starts with the friendship of the two not-so-popular bestfriends, Seth and Evan. Despite of their contrasts, since Seth is a kind of asshole who cares mostly for sex and pussies while Evan is more of a romantic and weird guy, still.. they were there for each other.
Because of their friendship, they had to go through college-parties to steal beers, run from a cop, and carry one another to escape from them.
This movie was heart-tearing because no matter how hard the main characters try to look tough, they were still soft inside. They still care. They still love. There was once scene that I can’t forget where they were thanking each other and said I love you like without being embarrassed about it. That is what you call true friendship. Not being ashamed to say I love you thinking it’s gay or what. At the end, their friendship was more important than any sex or alcohol they can get.
Rate: 9/10.
A Perfect Getaway (2009) Steve Zahn, Timothy Olyphant, Mila Jovovich, Kiele Sanchez.
It’s been a long time since I’ve watched a movie with this genre. Murder and Mystery has always been my two favorite elements of film. I am a fan of ‘whodunit’ flicks where you, as the audience, have to guess who the killer is.
This movie was suggested by my best friend because of the “unexpected twists” as she said. Aren’t all of the films should have unexpected twists? So I tried to watch the movie. I was irritated at first because the copy that I downloaded was dubbed by a foreign language that I don’t know. I had to find subtitles on the internet to understand the movie. Lucky me, I tried exploring it on the VLC player, and I found the english audio. Yey. So—- yeah, the movie..
I was astounded by the breathtaking sceneries from the cinematography. The movie was filmed at Hawaii, and after I’ve watched the movie, I was torn between wanting to go there, and not—probably because I was scared that a killer might chase me too. But the place, Ah.. It will really take your breath away. In their cases, literally their breath was taken out of them. (Well the dead ones of course)
The characters were very well-played, I was strucked by Mila’s beauty. I am used on seeing her in a fitted leather overalls busting zombies ass on her movie “Resident Evil.” This is the first time I ever saw her play a damsel-in-distress character. The other actors are convincing too, not to mention the participation of one of my celebrity crush Marley Shelton. Too bad she has little parts.
Oh yeah, the movie! It did not bored me, it actually entertained me but honestly I felt the excitement and suspense on 1:02:04 part of the film. I did not regret it though, the first remaining parts of the film was just a part of the puzzle that you’d have to solve in order to understand the ending. Before watching the film, I asked for chills, and yeah the movie did give me chills. There are parts that even made me jump from where I was sitting, seriously.
The plot was fantastic. The ending was unexpected. I wouldn’t tell the twist to avoid spoilers. If you enjoyed the movie Scream, Identity or The Sixth Sense, you need to watch this movie. Now.
Eros Atalia’s Ligo na U, Lapit na Me.
The Book VS The Movie.First time ko maka-encounter ng ganito, kadalasan kasi sa foreign films lang merong Movie Adaptation ang books. Hindi ko alam, kung dahil hindi ba deserve ng literature natin, o dahil sa mas gusto nilang manggaya ng concept ng ibang foreign films. Ah! Yung mga pocketbooks pala ngayon, uso gawing teleserye ano, tapos papaikut-ikutin na yung kwento hanggang humaba. But nevermiiiind about that.
About the book;
Waring pinagsamang Bob Ong at Nick Joaquin ang sumulat ng akda. Bilib din ako kay Eros, nagsisisi ako at ngayon lang ako nakabasa ng gawa niya. Akala ko kasi dati korni niya magsulat, pero nung nabasa ko yung libro nagbago na yung pananaw ko sa kanya. Kapag binasa mo ang libro, kulang na lang ay may lumitaw na vortex sa harapan mo, at higupin ka papasok sa mundo nila. Vivid ang details. Mabulaklak ang mga salita. Madami din siyang banat na siguradong mapapatawa ka.
Ang astig dito kay Pareng Eros, ay hindi cliche ang gawa niya. Unique, something that is hard to find in everything you read nowadays. Yes, typical ‘friends with benefits’ ang takbo ng kwento, pero may twist. Sa paraang nakikita at naiintindihan natin ang perspective ni Intoy. Naka-relate ako dahil parang ako nakita ko yung sarili ko kay Intoy sa libro. Kalog, korni, minsan gago, pero tiklop din pag nandyan na mismo yung laban. Si Intoy ay isang taong nagtatapang-tapangan na takot din ilabas ang nararamdaman dahil ayaw niyang magmukhang easy lang. Irelate.
May closure ang kwento. Bitin man ang ending, pero yun yung klase ng bitin na maghahanap ka pa, hindi yung bitin na nakakabadtrip. Unforgettable ang mga characters, at somehow habang binabasa ko ang libro, naisip kong sana may Jenny din ako.
Bihira ako magbasa ng tagalog books, pero kung si Ricky Lee, Bob Ong at si Eros Atalia ang nagsulat, hindi ako mangingiming magbasa. Rate: 9/10.
About the Movie;
Ang hirap pala pag nauna mong basahin, bago mo napanood ano? Madami kang ie-expect na scenarios. At malamang, madidisappoint ka pag hindi may mga part ng libro na wala sa pelikula. Sabagay, rule of nature na yan. Mas maganda talaga pag nasa libro. Mas kumpleto. Mas may sense. Mas maganda.
Hindi ko namang sinasabing panget yung movie. In fact, maganda naman ito. Okay naman. Umpisa pa nga lang nung pinapanood ko, nakangisi na ko, kasi ini-imagine ko na yung mga mangyayari. Yun nga lang, talagang may mga left-out parts.
Hindi ganung Intoy ang nai-imagine ko. Sa libro, nakita ko pa sa kanya ang sarili ko. Pero dun sa movie, parang ang layo. Hindi ko alam kung bakit. Si Jenny, magaling naman ang pagkakaganap. Seductive pa si Mercedes (Yung artistang gumanap) Nakaka-hhhng, yun nga lang, hindi din yun ang inimagine kong Jenny. Siguro, iba lang yung perspective ng director sakin.
Hindi nabigyan justice yung ibang laman ng libro. Waring pinigang towel na basang-basa sa pawis, tapos yung iba lang ang na-extract. Yung mahahalagang parte, naiwan dun sa towel. Ang kinuha lang nila ay yung storya nila Intoy at Jenny. Iniwan nila yung may part na may sense. Siguro, dahil ito ay isang chick flick/porn indie at hindi drama.
May mga eksena ding napapa-wtf na lang ako. Kasi, biglang putol na lang. Wala man lang, alam mo yun pag may inaantay ka sa isang eksena, tapos maiiwan ka sa ere kasi walang dumating. Yeah, that was the feeling: Naiwan sa ere.
Overall, maganda din naman ang film for an indie film. Entertaining, Sexy, mahirap nga lang panoorin kapag nabasa mo yung book, kasi you can’t help expecting. So, ang rate ay: 7/10.
Phobia 2 (2009) Ha phraeng (Original Title)
Okay, sinisipag ako magreview ng movies ngayon kahit wala namang nagbabasa. Parang nakakamiss na kasi magmovie-marathon. Reminiscing lang. Okay, nuff said.
Phobia 2 is a Thai Movie, at sa tingin ko bukod sa Japs, eh isa ang mga thai sa mga magaling gumawa ng Horror Films. At definitely worth-watching itong pelikulang ito. I have 5 reasons:
- Variety of segments. 5-segment film ito, parang “Shake, Rattle & Roll” ng Pilipinas at “Creepshow” ni Stephen King. Kaya naman hindi ka madaling mauta, dahil yung iba kasi, iisang storya lang tapos nagra-run ng 1hour at mahigit. Dito, direct-to-the point. No subplots. Yun na yun. Malasa na sa iisang bagsakan if you know what I mean.
- Unique plots. 100% original ang storya. Or atleast pagka-nood ko lang. Hindi tulad ng ibang films, halata kasing ginaya or binase sa ibang films, mostly sa foreign films *ehem ehem pinoy films*. Ayun, matutuwa ka kasi bago sa paningin, at hindi mo aakalaing pwede pala yung ganung ideas sa movie.
- Shivers and Laughters. Isa sa specialty ng thai films ang magsingit ng comedy sa horror movies nila. Yung tipong hindi korni kungdi matatawa ka talaga promise. Yung last segment, naku, baka hikain ka sa kakatawa pag napanood mo. Pero hihikain ka muna kakasigaw sa gulat.
- Cool actors and actresses. Convincing umarte ang mga bida. Hindi korni umarte at hindi pilit. Isang magandang elemento ng film ay ang mga mismong mage-execute ng script. Nadala naman nila.
- Unexpected Twists. Hindi mo aasahan ang mga ending, again lalo na yung last segment. To avoid spoiler panoorin niyo nalang. Maganda promise.
Ano ang 5 segment ng film?Novice. Yung unang segment ay tungkol sa isang batang nakadisgrasya tapos dinala sa isang templo para magsisi, tapos may mga kababalaghang mangyayari sa kanya dun. 3/5
Ward. Naconfine ang isang binata sa ospital tapos minumulto siya ng katabi niyang matanda sa ward, thrilling. Unexpected ending. 4/5
Backpackers. 2 teenager na japanese ang naki-hitchike, di nila alam, drug dealer pala yung truck driver, tapos yung laman ng truck ay mga patay na naoverdose, tapos may side-effects pala yung drugs sa kanila, ano kaya yun? 4/5
Salvage. Isang babaeng nagbebenta ng mga 2nd hand na mga kotse, tapos lahat pala ng binebenta niya ay dumaan sa krimen, disgrasya at sa kung saan-saang unos. Lahat ng mga multo ng nakaraan ay binalikan siya.
In the End. The best of the best to. Bida dito yung bida sa Alone (Thai Film din) Tapos nagshoshoot sila ng horror film dito, tapos yung umaarteng multo, namatay na pala talaga, pero bumalik siya para sa rason. Tawa at Takot dito. 5/5
Promise, the best itong film na to. Watch the trailer here.
Just Go with It. (2011) Adam Sandler, Jennifer Aniston, Brooklyn Decker
Danny, after getting burned in a previous relationship, decides to avoid commitment by telling every girl he hooks up with that he’s married. But when he meets a gorgeous young girl named Palmer, he thinks she could be the one until she finds out he’s “married”. So in order to keep their relationship still going, he tells her that he and his “wife” are getting a divorce. When she insists on meeting her, he asks Katherine to pose as his wife. Katherine takes a call from one of her children, Palmer assumes that they’re Danny’s so wants to meet them. And it’s at this meeting that Katherine’s son tricks Danny into taking them all on a trip to Hawaii. (source:IMDB)
Okay, watched this movie for like 2 months ago pa, pero ngayon ko lang siya naisipan gawan ng movie review. Naalala ko kasi, pagkatapos ko mapanood ang 500 days of Summer, wala na ulit akong kinatuwaang Rom-Com movies pagkatapos noon. At etong movieng to, hindi lang Ngisi sa gilagid, kilig sa kilikili at luha sa mata ang dulot, may tusok din siya sa puso, at utak. Kapag napanood mo itong pelikulang to, mapapatawa ka sa bawat eksena, sabay mapapaisip ka, Teka, oo nga no..
Hindi pa rin kumukupas ang kwela ni Adam Sandler. Hindi niya ko fan, pero marami na kong movies niyang napanood ko. Hindi naman ako nakornihan, at so far, para sa akin, eto ang pinakamaganda, sumunod ang 50 First Dates. Chickboy kasi siya dito, tapos nagpapanggap siya na may asawa pero hindi siya masaya sa asawa niya kunware para maka-hook up ng babae. Tapos may natipuhan siyang babae. Yung tipo na gustong gusto niya talaga. Yung tipong gusto niya ng pakasalan. Eh kaso nakita nung babae yung “Wedding Ring” sa bulsa ng pantalon niya. Wala na siyang nagawa kundi pagtakpan at maki-ride na may asawa na talaga siya. Kinuntsaba niya yung workmate niya (Jennifer Aniston) na magpanggap bilang asawa niya, and then.. Let the game begins.
Alam mo ba yung feeling may hinahabol kang isang tao.. tipong lahat gagawin mo makuha lang siya. Handa kang magsakripisyo mapansin ka lang niya, tapos kung kailan nasa kamay mo na siya, doon mo maiisip, hindi naman pala talaga siya ang gusto mo. Hindi mo alam yung nasa tabi mo, na matagal mo ng nakakausap.. Siya pala talaga. Minsan may mga bagay sa tabi natin na hindi natin nakikita. Simple lang, sa malayo kasi tayo nakatingin.
Kapag nasa cuddle mode ka, panoorin mo to. Yung ang sarap ng may kayakap habang pinapanood to. Kung forever alone ka, magdala ka na lang ng unan. Medyo pareho lang. Pero, kahit mag-isa ka, siguradong mageenjoy ka pa rin dito.
Movie Rating: (Im no movie critic, kaya wala ko sa lugar magbigay ng mababa) 8/10.