My day in 566 words.
Katulad ng usual day ko, umaalis ako sa bahay ng 1pm dahil kailangan kong maghatid ng bata sa school. Pagkatapos non, dumiretsto na ako sa bayan para pumunta sa Pizza Hut at mag-apply.
Ilang beses na akong bumabalik sa Pizza Hut, pero tuwing pupunta ako laging wala si “Mam Janice” (Siya daw kasi yung hanapin ko) Excited pa man din ako at medyo kabado dahil interview na nga ata kanina. Ni hindi ko alam yung inaaplyan ko, ni-refer lang kasi ako ng asawa ng nakikitira sa bahay ng bestfriend ko. Tapos, wala pala nasa Pangasinan daw si Mam Janice, kaya bumalik na lang daw ako sa Sabado, 2pm. Atlis ngayon suren ako. Sayang yung damit ko dahil inaayos ko pa man din yung sinusuot ko dahil akala ko interview. Ayun, wala na ata akong susuoting matino dahil araw-araw umaalis ako.
Magtu-2pm pa lang, wala na akong pupuntahan. Naisipan kong pumunta sa school dahil malapit lang yun sa SM. Kakatagpuin ko sana mga ex-classmate ko, kaso mukhang may klase sila. Ang hirap maging forever alone. May hawak akong isang libo. Dahil kelangan kong ipabarya para magkapamasahe ako, naisipan ko ng bumili ng charger ng cellphone ko.
Dumiretso ako sa Greenhills para dun bumili ng charger. Nagulat nga ako dahil wala ng nagbebenta ng cd dun kahit isa. Pinuntahan ko yung lagi kong binibilan ng bala. Tapos nakita ko si ate dun, si ateng nagtitinda. Nakakatuwa dahil 2nd year high school pa lamang ako dun na ako bumibili ng bala ng dvd sa kanya, tapos ngumiti siya nung nakita niya ko. Ngumiti din ako. Tinatanong ko pa siya kung natatandaan niya pa ako, sabi niya oo naman daw. Sobrang laki ko na daw, dati ang liit ko pa. Imagine, 5 years. Ang nostalgic din ng feeling pag may nakita kang taong matagal mo ng hindi nakita, tapos kilala ka pa niya. P. S. Hindi ko pa din alam pangalan niya, basta “beh” ang tawag niya sa akin noon pa man hanggang ngayon.
At nagsimula na ang gastusan. May ugali akong pag nabaryahan ang malaking bill dere-deretso ko ng nagagastos. Kaya yun, bumili ako ng charger, tapos napagalamang kong nagbebenta pa pala siya ng bala (pero patago, bawal na daw kasi) kaya bumili na din ako (puro horror). Tapos nakapagkwentuhan kami, na-raid pala siya. Pati 5 flat screen tv kinuha. Naawa ako. Ayun, sabi ko na lang sa kanya, dun ako lagi bibili.
Pumunta na ako sa palengke. Bumili bili ng kung ano-ano. Hindi ko na din matandaan. Bumili ako ng office pad, hair dye (black-brown) trip lang naman, lighter, vitamins, katialis, vicks, meryenda, milk-tea at kung ano-ano pa hindi ko na din maalala.
Ulyanin ako. Madali akong makaiwan ng gamit kung saan-saan. Kaya naman lagi akong may backpack na malaking dala-dala palagi. Dun ko lahat nilalagay ng mga dala ko. Lahat ng mga credentials, mga pinamili at wallet ko. Ilang beses na kasi ako nawalaan ng gamit dahil sa kaburaraan ko. Kapatid ko si Dora. Lagi akong may backpack. Ako din mismo si Swiper dahil ako din ang dahilan ng pagkawala ng mga gamit ko.
Hindi ko alam kung paano tatapusin to dahil hindi pa naman tapos ang araw ko. Umuwi ako, naghubad, nagpahinga, nag-text, umorder ng damit, at ngayon napagpasyahang i-blog ang araw na nagdaan. I know, I know, who cares.