If I would have 3 superpowers.

Telekinesis.
also called Psychokinesis, refer to the direct influence of mind on a physical system that cannot be entirely accounted for by the mediation of any known physical energy (i.e. moving objects with the mind).
Yung nakokontrol/napapagalaw yung mga bagay gamit utak mo. Bagay na bagay lang to sa mga tamad katulad ko. Kadalasan kasi pag nakahiga na ko ang dami ko bigla naalala na dapt kong kinuha, halimbawa yung cellphone o ano. Eh nakakatamad ng tumayo. Malaking hassle. Kaya ang angas lang kung pwede kong palutangin at dalin nalang sakin yung cellphone. Para sa mga maliliit ang useful din nito, kung may hindi sila abot na bagay pwede nilang gamitan ng telekinesis. Hahaha. Pero hindi lang naman sa katamaran to nagagamit. Pwede ding pang-self defense. Kapag may nagtatangkang mang-harass sayo, pwede mo siya patalsikin gamit powers mo. O, awesome diba?

Push.
Push, the ability to read and control minds. Parang si Professor Xavier ng X-men, or sa movieng Push kung napanood niyo na, you’ll know what I mean. Parang curious lang kasi ako, what if we can read people’s thoughts ano? Ano kayang iniisip ng katabi mo ngayon, or ng mga nakakasalubong mo araw-araw? Tapos, what more, is you can push thoughts sa utak niya? Pwede mo saksakan ng fictional memory yung utak niya, pwedeng sa mahal mo na hindi ka mahal pwde mong pag-isipin siya na kayo at mahal ka din niya. Alam ko masama siya, pero depende sa paggamit.

Shapeshifting.
Hindi ko gusto maging kamuka ni Mystique. Wala kasi akong mahanap na karapat-dapat na Image para sa Shafeshifting sa google. Kaya si Mystique na lang nilagay ko. Kung napanood mo na rin ang X-men, alam mo na ang power niya, kung hindi pa ang loser mo naman. Si Mystique ay isang shapeshifter, kaya niya magpalit ng anyo. Ayan. Ang cool lang kasi. Pano pag sawa na tayo sa itsura natin, pwede natin i-try maging kamukha ni Bruno Mars, o kaya ng kung sino nating paboritong artista. Kapag may tumutugis din sayo, madali ka makapagtago dahil magpapalit ka lang ng anyo.